natakot ako. sa simula kasi ng kalahati ng araw ngayon ay ginusto kong iwanan ang kamusmusan.
siguro dahil sa paraheogn dahilan ni wendy kay peter pan na "i have to grow up, we have to"; dahil rin sa domestic problems na nagrerequire ng pagtanda dahil hindi siya mauunawaan ng bata; parang telenovela, anakarenina nina antoinette taus na nagsabing "bakit 'yung ibang kaedad natin paglaki ng boobs ang problema nila, bakit tayo parang masyadong mabigat?" tapos 'yun. ang wild kasi. parang for the longest time, akala ko madadaan sa remedies ang lahat, gumising ako kaninang umaga na may bumulaga sa pamilyang problema na fresh from abroad, walang remedy. walag posibleng remedy.
nakababanas lang, ang layo-layo niya pero nananakit siya. nandadamay pa siya ng ina. WALANG MAY KARAPATAN MANAKIT SA NANAY KO.
haha. oo, naglalabas ako ng sama ng loob. at, oo, natakot ako. akala ko, sa laki ng problemang ito ay kakailanganin ko ng iwan ang kamusmusan ko.
pinalipas ko ang buong araw. iniiyak ko muna, pero yung malapalabas na pagharap sa ina ay nakngiti dahil kailangan. pagkadaong sa skul, hindi ko muna inisip. kinagabihan, nagdrowing ako. nagbasa ako ng death of tinkerbell. hanggang sa... nakakangiti na ulit ako ngayon. oo, kailangan kong gawin ang mga bagay na matanda ang gumagawa, pero hindi iyon sapat para patayin ang fairies sa puso ko, ang happy thought. sa mga panahong ito, mas kailangan ko sila.
haha. at the end of the day, kasama ang pinaghalu-lahong problema sa bahay, ng malupit na problema ng mga kaibigan sa ngayon, sapat lang pala na single ako (kasama si arkel)... kasi para may karamay sila ng buong- buo :)
walang mas makapangarihan sa happy thoughts.